"PAGLAlAKBAY SA NORTE"
Ni Alyssa Marie Calilan
Nakapaglakbay kana ba sa Pilipinas? Kung hindi pa, kailangan mo nang mag-ipon para makapag-"enjoy", "relax" at makapagsaya sa Pilipinas! Tara! at lakbayin natin ang Pilipinas.
Sa Rehiyon 1 matatagpuan ang Ilocos Norte at Ilocos Sur! Alam nyo, napakaganda dito. Nitong Sabado lamang, Ako at ang aking pamilya ay nagbakasyon sa Ilocos Norte. Pumunta kami sa lalawigan ng Bangui, kung saan matatagpuan ang mga dambuhalang windmills! Pagkatapos naming pumunta doon ay nagpunta naman kami sa Parola o Light House na matatagpuan parin sa Ilocos Norte. Ang sarap pala ng pakiramdam ng umaakyat sa isang Parola, sobrang lakas ng hangin at halos liparin na ang aking pinsan dahil ito ay payat! Habang pauwi nadaanan namin ang daan papunta sa
" Kapurpurawan Rock Formation " mula sa kubo ng mga nagbabantay, kailangan naming iwanan ang aming sasakyan kapag kami ay nasa 500 metro na. Mula doon kami ay sumakay ng kabayo papunta sa Rock Formation. Habang kami ay papalapit, lumalakas na ang hangin at ang buhangin ay lumalalim... Ang ganda ng mga Formation ng mga bato!... Pagkatapos naman ay pumunta kami sa Ilocos Sur! Pinuntahan namin ang Vigan Heritage Houses... bumili kami ng kaunting souvenirs at sumakay kami ng kalesa...habang nakasakay, marami akong nakitang dayuhan na namamasyal di roon na nagpapatunay lamang na " It's more fun in the Philippines"!
Kaya tara na! Halina at maglakbay sa Pilipinas at sinisigurado ko saiyo na ikaw ay mag-e-enjoy dito sa Pilipinas!

Ang aking bakasyon sa Zambales
Ni Patrick wayne de luna
Ang aking hindi malilimutang paglakbay sa Pilipinas ay ang pagpunta naming sa Iba, Zambales. Maaga kaming maglakbay. Pagkatapos naming kumain lahat ay naghanda na para umalis. Habang nasa sasakyan kami, halos lahat sa amin ay natulog. Habang ako’y nanatiling gising. Habang naglalakbay kami ay marami akong nakitang malalaking bundok at halos ay nakalbo na at ako’y nadismaya sa aking nakita.
Ang aming biyahe ay napakahaba at nakaabot kaming tatlo hanggang apat na oras bago kami makarating. Nang makarating na kami ay sabik na sabik na akong maligo sa dalampasigan sa dagat. Bago kami maligo ay nagpalit ng damit at kumain muna. Pagkatapos kami’y kumain ay nagpahinga kami, mga ilang minuto at pagkatapos nun ay agad-agad na kaming lumusong at lumangoy sa dagat. Ang sarap lumangoy at nawala an gaming pagod. May mga nakita akong maliliit na isda at ang ganda nilang tignan habang lumalangoy. May mga bangkang pangturista na dadalhin ka sa “coral reefs”. Sumakay kami sa mga Bangka at narating naming ang mga “coral reefs”. Ako’y naka “life vest” para lumutang sa malalim na dagat at lumangoy para makita ang mga “corals”. Napakaganda at kaakit akit ang mga “corals”. Pagkatapos noon ay bumalik na sa resort para makapagpahinga. Nakadalawang araw at isang gabi kami sa resort.
Nakapagbangka at lumangoy pa ako sa ikalawang araw. Sinulit ko lahat ang araw ko noon. Pagkatapos mga alasdos ng hapon ay umuwi na sa aming tahanan. Kami ay masayang masaya dahil sulit ang aming bakasyon. Sana makapunta din kayo sa Zambales.

aNG AKING PAGLALAKBAY SA IBA'T-IBANG PARTE NG PILIPINAS
nI ERVIN JOSEPH MARTIN
Maraming magagandang lugar dito sa Pilipinas. Mga bundok, dagat, at marami pang iba. Ako ay nakapunta na sa iba’t-ibang magagandang lugar sa Pinas. Tulad nalang nang pumunta kami sa isang beach resort sa Bataan. Sobrang ganda ng mga tanawin roon, malinis ang dagat, tahimik, at napaka-lambot ng buhangin. Lalo na noong papalubog na ang araw, kay gandang tanawin ang nakita ko. Isang di malilimutang araw iyon.
Isa ring di malilimutang paglalakbay ay noong pumunta kami sa Baguio kasama ang aking buong pamilya. Sobrang lamig sa Baguio noong mga oras na iyon. Nagpunta kami sa Burnham Park, isang napakalaki at napaka-gandang parke doon. Pinuntahan din naming ang Strawberry Farm kung saan nagtatanim ng Strawberry at maraming nagbebentang mga keychains at marami pang iba.

anG PAGLALAKBAY NG AKING PAMILYA
ni rYAN VALENCIA
Sa Pilipinas, napakaraming magagandang pook pasyalan na maaaring mapuntahan. Marami kang makikitang tanawin kahit saan ka man mapadpad. Ang hindi ko makakalimutang paglalakbay sa Pilipinas ay pagpunta namin sa tagaytay ng aking pamilya. Ito ang pinaka una kong paglalakbay kasama ang aking mama, papa, at ate. Nakita namin ang mga magagandang tanawin doon at madama ang malamig na klima.
Pumunta rin sa isang zoo, at dito’y nakakita ako ng iba’t ibang hayop katulad n iba’t ibang uri ng ahas, ibon at mga “prineserb” ng mga katawan ng hayop. Ngunit ang nakaagay sa aking pansin ay ang napakalaking buwaya dahil iyon ang unang pagkakataon na makikita ako ng ganong klaseng hayop. Pumunta rin kami sa isang restaurant at doon kami kumain ng sama-sama. Napakasaya ko talaga noon dahil kami ay naglakbay ng buo. Masaya talaga roon! Tara samahan niyo ulit pumunta. Maglakbay at kumain sa magagandang pook sa Pilipinas. Isang pamilya, barkada, asawa, at marami pang iba, punta na!

iSANG ARAW NA PAGLALAKBAY
ni LLAINE CARYL CALIGAGAN
Masayang maglakbay, lalo na kung kasa-kasama ang buong pamilya. Ako nakapaglakbay na ako ng ganoon sa isang buong araw. Ordinaryo man, napakasaya naman.
Nitong Enero lang, kami, kasama ng aking mga kapatid, tiyuhin at tiyahin, lolo’t lola, at mga magulang ko ya pumunta sa tatlong lugar sa isang buong araw lamang! Napakalayo ngunit napakamakabuluhan. Pumunta kami sa San Matias, San Fernando, na kung saan makikita ang mga pasong gawa nila. Makukulay at magaganda. Pagkatapos ay umikot kami sa Mexico. Nakita ko ang mabeberdeng tanim ng mga tao. Sa Sta. Ana, nakita ko ng malapitan ang Bundok Arayat. Talagang napakaganda. Nakita ko rin ang isang lumang simbahan doon, ang Sta. Ana Church. Nang makarating kami sa Concepcion, Tarlac, napakapresko at makikita mo talaga ang kasipagan ng mga tao doon. Dahil sa mga tanim nilang palay at mga halaman. Napakalinis ng kanilang paligid. Pagod sa biyahe, ngunit napakasaya!
Masayang maglakbay. At tinaguriang ‘most romantic place’ di ang Pi’nas dahil sa ganda nito. Tunay na ‘It’s more fun in the Philippines!’.

anG AKING PAGBISITA SA MONASTERIO DE TARLAC
NI ALLYANA JAIRA TAYLAN
Mayo 6, 2012, ang nakatakdang araw ng pagpunta namin sa Monasterio de Tarlac. Matagal nang gustong pumunta roon ng aking nanay, paano ba naman kasi, doon mo makikita angisang parte ng krus na ibinuhat ng ating Hesu Kristo, hindi ba nakakamangha iyon? Kung gusto mong tahimik, mahangin, banal at mapagpalaang lugar, aba’y subukan nang pumunta ng Monasterio De Tarlac!
Bago kang pumunta sa mismong Monasterio, subukan mo munang pumunta sa Columbarium of the Risen Christ at magdasaldoon o kaya naman ay magpahangin. Marami rin ang mga turista noong pumunta kami, syempre, gusto nila makita ang isang parte ng krus. Biruin mo, sadirami- rami ng bansa na magkaroon ng ganoon, ang Pilipinas pa ang isa sa mga pinagpala na magkaroon. Kung mapapansinmo, kakaibaang idinaraos na misa doon, kasi ang makalumang tradisyion ang idinaraos sa Monasteryo, sila ay kumakanta. Hindi ba kakaibaiyon? Sobrang saya ng aking nanay noong nagpunta kami roon, sobrang kakaiba kasi. Eto na kasi ang bakasyon namin sa nakaraang taon. Ang simple, hindi ba? Simple man, pero makabuluhan. Napakasayang talaga ang pagkakataon na makita namin ang parte ng krus, hindi namin ito nakita dahil sa sobrang damingtao, peroangmahalaga, kami ay nakapagmisa.
O, ano pa ang hinihintay mo? Halina’t pumunta na rito, at ibalik tanaw ang makalumang tradisyon sa misa at subukan palapitin lalo ang sarili sa Diyos. Kaya, tara na!

hINDI MALILIMUTANG PAGLALAKBAY SA PILIPINAS
NI MIKAELA ALVARO
Mayroon ka na bang paglalakbay na hindi mo malilimutan? Kailan ito nangyari? Saan ito nangyari?
May isa akong paglalakbay na hindi ko malilimutan, ito ay nangyari noong Disyembre 26,2012. Noong kami ng pamilya ko ay pumunta sa Maynila, pumunta kami roon dahil kaarawan ng aking pinsan sa ika-28 ng Disyembre. Napakasaya ko noong kinagabihan ng araw ng ika-27 dahil pumunta kami sa “ Eastwood” nakakita kami ng mga artista ito ay sina Marco Gumabao, Miles Ocampo at Kedibon galing sa “X-Factor”. Noong nagutom na kami kumain kami sa “Teriyaki Boy” ito ay isang “Japanese Restaurant” ang specialty nila na pagkain ay “teriyaki” ay “sushi”. Pagkatapos naming kumain nanlibre ang aking pinsan sa “Dairy Queen” napaka mahal ng pagkain dito, tulad ng “Ice Cream” at “Cake”. Noong pabalik na kami sa bahay ng pinsan ko, pagkababa ko sa taxi nagsuka ako dahil nahilo ako. Nagpahina ako tapos natulog na. Noong ika-28 ng Disyembre , kaarawan na ng pinsan ko, ang pangalan niya ay Adrianne Zuri A. Alvaro naghanda sila at ito ang kanyang ikalawang kaarawan. Kinagabihan pumunta kami sa ”Socializing” ng mga “Iglesia Ni Cristo”. Napakasaya ko noon. Noong ika-29 na, uuwi na kami, bago umuwi pumunta kami sa Sm Megamall at umuwi na sa aming bahay sa Pampanga. Napakasaya ko talaga sa bakasyong ito at hindi ko ito malilimutan.

ANG DI MAKAKALIMUTANG MAGANDANG TANAWIN NA AKING NAPUNTAHAN
Ni Carla Faye Milarpis
Ang Pilipinas ay puno ng napakaraming magagandang tanawin. Gaya na lamang ng mga Anyong tubig, marami niyon ang Pilipinas sapagkat ito binubuo ng mga pulo. Marami din ang nagsasabi na “It’s more fun in the Philippines”.
Ang aking di makakalimutang tanawin na aking napuntahan ay ang ambon-ambon falls sa Pangil Laguna.Ang Pangil Laguna ay ang ika-limang klase ng bayan sa LagunaHindi madali ang pagpunta sa falls sapagkat kinakailangan mong maglakbay ng malayo at magtrecking sa mga bundok na nakapaligid . Kinakailangan mong sumakay ng balsa patungo sa falls. Habang ikaw ay naglalakbay papunta sa talon ay may makikita kang di pangkaraniwang tutubi Nakakapagod man ang pagpunta doon ay mawawala naman agad ang pagod na iyon kapag nakita mo na at kapag nang kagandahan nito at nakapaligo ka na wala lahat ang pagod na naranasan mo sapgkat suit sa kasiyahang mararanasan mo. Napakasaya ang maligo roon lalo na kung marami kang kasama, sayang napakalamig ng tubig. Talagang di matatawaran ang sayang naranasan sa aming pagpunta sa Ambon-Ambon falls.
Talaga namang nakakamangha ang mga anyong tubig na likha ng Diyos.Dapat nating pangalagaan ito upang maabutan pa ng mga susunod na henerasyon na may maganda at malinis pa pala na mga talon,ilog,lawa,dagat at iba pa.